Patay ang dalawang Pinay sa nangyaring pagsabog ng fireworks
sa Honolulu, Hawaii sa New Year’s Eve.
Napag-alaman na pawang magkapatid na Pinay ang naitalang
patay sa insidente na kinilala kay Carmelita Turalva Benigno at Nelly Turalva
Ibarra.
Kinumpirma naman ito ng pamangkin nilang si Rylan Benigno.
Nagdulot din ng mga sugat at kasalukuyang nasa pagamutan
ang anak na lalaki at babae ni Carmelita, maging ang pamangkin at 3-anyos na
apo nito dahil sa pagsabog.
Ayon sa mga report, naging dahilan ng pagsabog ang mga
fireworks na inilalarawan ng mga awtoridad bilang “cake” o isang cluster ng
tubes na naglalaman ng hanggang 50 aerial rockets.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon sa nangyari.
0 Comments