ZENDAYA AT TOM, ENGAGED NA!


Engaged na ang “Spider-Man” co-stars na sina Zendaya at Tom Holland matapos maispatan ang suot na malaking diamond ring.

Agaw-pansin si Zendaya nang dumalo ito sa red carpet ng Golden Globes na suot-suot ang malaking bato sa palasingsingan nito.

Sa isang ulat, ipinahayag na noon pang 2021 nagsimula ang relasyon nina Tom at Zendaya hanggang sa tinuloy na ito sa next level nitong nakaraang Pasko.

Nag-propose ang British actor kay Zendaya sa isa sa mga bahay ng kamag-anak ng aktres sa United States.

Sinabi pa ng TMZ na hindi naman masyadong bongga ang pag-propose ng aktor sa halip ay ipinalabas niya ito na maging romantic at intimate.

Dagdag pa rito na wala ang pamilya ng bawat isa at tanging silang dalawa lamang.



Matatandaang nagkakilala ang dalawa sa set ng “Spider-Man: Homecoming”. Sili ang isa sa mga tinitingalang couples sa Hollywood sa kabila ng pagiging lowkey ng kanilang relasyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog