Photos courtesy of @Nyairin_0518 on YouTube |
Nakaranas ng mapait na nakaraan ang isang influencer na si
Hirase Airi dahil sa pisikal nitong anyo.
Maging ang pamilya nito’y nagkalamat nang tuluyang
maghiwalay ang kaniyang mga magulang noong ito’y nasa murang edad pa lamang.
Photos courtesy of @Nyairin_0518 on YouTube |
Madalas din siyang kinakamuhian ng kaniyang ina dahil sa hindi
kagandahan at pagkakahawig pa nito sa amang kinakaayawan ng ina.
Makaraan ang ilang buwan, naglabas ng update si Hirase
ukol sa pagbabago ng kaniyang anyo kung saan makikita ang pagkakaiba nito sa
dating mukha.
Photos courtesy of @Nyairin_0518 on YouTube |
Maraming netizens naman ang namangha sa naging
transformation ng influencer.
Si Hirase ay hindi nakatungtong ng kolehiyo at tanging
high school lamang ang tinapos nito dahilan na hindi ito makapagtrabaho sa mga nag-aalok
ng matataas na sweldo.
Dahil dito, pumasok siya sa ilang mga trabaho ng
sabay-sabay upang makapag-ipon at matupad ang kagustuhan nitong sumailalim sa cosmetic
surgery.
Nang makaipon ng halos 10-milyon yen o P3,972,410 ay agad
itong sumailalim sa procedure para ipabago ang kanyang mukha nang sumapit na
siya sa edad na 19 noong 2020.
Sa sumunod na taon ay nagpa-breast augmentation si Hirase
at sumailalim din sa mga skin treatments para sa makinis na kutis.
Ayon kay Hirase, sa kabuuan ay gumastos siya ng mahigit
20 million yen o PHP 7,944,820 para sa iba’t ibang procedures.
Photos courtesy of @Nyairin_0518 on YouTube |
Kung saan, halos ang kabuuan ng kaniyang katawan mula ulo
hanggang paa ay nabago maliban sa kaniyang bibig.
Kahit malaki ang kanyang nagastos sa cosmetic surgery,
para kay Hirase ay sulit naman dahil nagkaroon ng 180-degree turn ang takbo ng
kanyang buhay.
Sa pagbabago ng anyo ni Hirase ay kaliwa’t kanan na ang
mga proyekto nito sa Japan tulad na lamang ng pagkakaroon ng appearance nito sa
mga TV shows kabilang na ang “Hyena of Love”.
Naging advocate din siya ng cosmetic enhancement kung
saan siya ang tila produkto ng naturang procedures na hindi lang magpapabago ng
anyo ng isang tao kundi pati na rin ang pamumuhay nito na mula sa madilim ay nabigyan
ng liwanag.
Ngunit, mahigpit nitong paalala sa kaniyang mga followers
na “Use plastic surgery in moderation.”
0 Comments