Patay ang 17 mga indibidwal sa kaguluhan sa Tatus
province sa Syria matapos na arestuhin ang isang officer sa ilalim ng pamumuno
ni Bashar al-Assad na may kaugnayan sa notorious prison.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, kabilang sa
mga namatay ang 14 na miyembro ng General Security Force ng Syria new authorities
kasama ang tatlo pang armadong kalalakihan sa Khirbet al-Maaza.
Dagdag pa rito, dapat din anilang arestuhin ng mga
awtoridad ang opisyal na responsible sa krimen sa bilangguan ng Saydnaya.
Napag-alaman na ang wanted na lalaki ay isang opisyal at
dating regime forces na naging director ng military justice department at field
court chief na kinilala kay Mohammed Kanjo Hassan.
0 Comments