Nakatakdang ilalagay sa auction ang pinakaunang kumpleto
na stone tablet ng Ten Commandments sa Sotheby’s New York ngayong buwan.
Ang naturang tablet ay may humigit-kumulang na 1,500 na
taong gulang.
Ayon kay Sharon Liberman Mintz, International Senior
Specialist ng Sotheby, ang kumpletong stone tablet ng Ten Commandments ang
pinakamahalagang kayamanan na kaniyang nahawakan.
Aniya pa, pambihira ang nasabing bato na may bigat na 115
pounds at may sukat na humigit-kumulang 2 talampakan ang taas.
Napag-alaman na ang marble tablet ay nahukay noong 1913
sa railway excavations sa kahabaan ng southern coast ng Israel, malapit sa mga
lugar na synagogues, moske at mga simbahan.
Ang teksto ng Ten Commandments ay iniukit sa tablet sa Paleo-Hebrew
script, isang script na ginagamit ng mga Hudyo mula sa ikasampung dekada bago
pa ang Common Era hanggang sa ikalimang dekada ng Common Era.
Tanging siyam ng Ten Commandments lamang na natagpuan sa Book
of Exodus ang laman ng tablet.
Samantala, naka-schedule sa Disyembre 18 ang pag-auction
sa stone tablet sa New York City na may pre-sale na $1-milyon hanggang
$2-milyon.
0 Comments