AKLANON, NAKATANGGAP NG PARANGAL SA 2024 PAFIOO



Ginawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang isang Aklanon sa 2024 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO) awarding ceremony.
Kinilala ang Aklanon awardee na si Dr. Jane Y. Gerardo-Abaya na taga-Kalibo, Aklan at kasalukuyang nakabase sa Austria.
Siya ay isang retired Director sa International Atomic Energy Agency (IAEA) sa Vienna, Austria.
Iginawad kay Gerardo-Abaya ang Pamana ng Pilipino award dahil sa kaniyang huwaran at matagumpay na kontribusyon sa advancement sa geology at geothermal hydrology gayundin ang kaniyang walang humpay na pagtataguyod sa ligtas at mapayapang paggamit ng nuclear technologies sa halos mahigit 40-taon.
Ang PAFIOO ay ibinibigay sa mga overseas Filipino individual na nagbahagi ng kanilang talento na nagbigay karangalan sa bansa sa pamamagitan ng pagpapakita ng husay sa kanilang napiling trabaho o propesyon tulad ng sining, agham, negosyo, sports o sa iba pang larangan.
Ito rin ang pinakamataas na pagkilala na iginawad ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas upang ipagdiwang ang natatanging tagumpay at makahulugang kontribusyon na nagsusulong sa kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog