Naantig ang mga netizens sa estudyanteng ito na hindi
ininda ang pagod at hirap ng buhay para sa pag-abot ng mga pangarap.
Viral ang kwento ng isang estudyante mula sa Madalag, Aklan
na kahit kapos at nahihirapan ay patuloy pa rin sa pagkamit ng minimithi nito
sa buhay.
Ibinahagi ni Genevie Gregorio na inakyat nila ng kaniyang
pamangkin ang isang bundok sa kanilang probinsya para makasagap ng signal at
makakuha ng schedule sa scholarship exam sa pinapasukang unibersidad sa lugar.
Inabot na ng ilang oras ang kanilang paglalakad ay hindi
pa din nila naabot ang lugar na kanilang inakyat sa bundok.
Ilang sandali pa, ramdam na ng pamangkin ni Genevie ang
pagod at init dahilan na nawalan ito ng malay sa daan.
Makaraan ang ilang saglit na pagpapahinga nito ay muling
nagkamalay ang estudyante at itinuloy pa din nito ang pag-akyat sa bundok sa
halip na umuwi.
0 Comments