Inirekomenda ng
Private Sector Advisory Council (PSAC) ang paglulunsad ng nationwide “Shopping
Festival Philippine” upang makatulong sa pagpapalakas ng turismo sa bansa.
Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr.,
sinabi nitong na ang naturang rekomendasyon ng PSAC ay napakahalaga na
palakasin ang turismo sa Pilipinas.
Layunin nitong maka-attract ng marami pang
turista na bumisita sa bansa lalo na’t ito ay kasunod sa nilagdaang batas na
VAT Refund for Non-Resident Tourists.
Kung saan, maaari nang makakuha ng refund sa
Value Added Tax ang mga turistang bumili sa mga accredited retail outlets sa
loob ng 60 days alinsunod sa bagong batas basta’t nasusunod nila ang minimum
purchase na P3,000.
Dagdag pa rito, inaasahan din na ang nasabing
bagong batas ay magdudulot ng 30 porsyento na pagtaas sa paggastos ng mga
turista kung saan makakabenepisyo nito ang parehong large-scale industries at
micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
0 Comments