SELENA GOMEZ AT BENNY BLANCO, ENGAGED NA; ENGAGEMENT RING, NAGING INSPIRASYON ANG ISA SA MGA SIKAT NA KANTA NI SELENA

 


Kinabiliban ng mga tagahanga ng Hollywood singer/actress na si Selena Gomez matapos nitong ibahagi ang engagement ring mula sa fiancé na si Benny Blanco.

Ito’y matapos madiskubre na ang inspirasyon ng naturang jewelry na suot ni Selena ay mula sa sikat na kanta nitong “Good for You”.

"I'm on my marquise diamonds," pagkanta ni Selena. "I'm a marquise diamond / Could even make that Tiffany jealous / You say I give it to you hard / So bad, so bad / Make you never wanna leave / I won't, I won't."

Ayon sa ulat, ang singsing ng singer ay nasa 6-carats at pinaniniwalaang nagkakahalaga ng $255,000.

Mula ang inanunsyo ang engagement nina Selena at Benny, maraming mga celebrity na kaibigan ni Selena ang nagpaabot ng kanilang pagbati.

Nagkomento pa si Taylor Swift na siya aniya ang magiging flower girl.

Habang may ilan namang nagpaabot ng kanilang kasiyahan sa naturang engagement ni Selena.

"Ahhhhhhhh yes yes yes!! Best news ever. Couldn’t be more happy for you both", komento ni Lily Collins.

"HONEY!! Congratulations sweet mama," ani Jennifer Aniston.

Sina Selena at Benny ay unang maging magkatrabaho sa isang kantang “I Can’t Get Enough” noong Marso 2019.

Noong 2023 ay muli silang nagsama sa “Single Soon”.

Samantala, kinumpirma ng dalawa na noong Disyembre 2023 nang sila’y maging magkarelasyon.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog