Nakakaranas ng bali sa binti ang isang lalaki mula sa
Cagayan de Oro matapos itong magpagamot sa isang hindi lisensyadong chiropractor.
Sa ulat, sumailalim si Leobert Mangubat Yurong sa isang home service chiropractic session noong Nobyembre 18. Sa halip na gumaling ay mas lumala pa ang kondisyon nito matapos itong galawin ng isang indibidwal na walang kaukulang pagsasanay sa chiropractor.
Dahil dito, gumastos ng halos P173,000 si Yurong sa
kaniyang pagpapagamot kung saan mayroong mga steel plate na naka-implant sa parte
ng bali nito.
Kasalukuyan na itong nagpapagaling habang pinaplano naman nitong magsampa ng kaso sa indibidwal na nagsagawa sa kaniya ng chiropractor.
Ipinaliwanag naman ni Licensed chiropractor Dr. Rob
Walcher ang kaakibat na panganib na pagpapagamot sa mga hindi kwalipikadong
practitioners. Aniya pa, sumasailalim sa walong taong pag-aaral ang mga
chiropractor at ang nangyari kay Yurong ay hindi chiropractor kundi hilot.
Binigyang-diin pa ni Walcher na ang tamang chiropractic
care ay nakatuon sa spine para gumaling, habang ang mga joint manipulation,
tulad ng pag-crack sa tuhod at mga daliri sa paa ay hindi standard practices.
Nagbabala pa ito na ang mga hindi lisensyadong
practitioners ay magdudulot ng malalang pinsala na maaaring ikamatay ng mga
pasyente nito.
Samantala, inabiso pa ng doktor ang publiko na komunsulta
sa mga lisensyadong chiropractors o medical professionals.
0 Comments