Marami ang nagulantang sa nasaksihan sa loob ng
abandonadong balon sa isang gubat sa Thailand-Myanmar border.
Inakala ng ilan na baka isang multo ang kanilang narinig ngunit
nang kanilang makita ay isa pa lang tao ang na-trap sa loob.
Kinilala ito kay Liu Chuanyi, 22-anyos, at halos tatlong araw na itong nasa ilalim ng balon.
Ayon sa ulat, naririnig ng mga residente ang pagsigaw at
pag-iyak nito ngunit tila binalewala ito dahil sa pag-aakalang ito’y multong
naninirahan sa gubat.
May ilan namang nag-report sa insidente na agad namang
nirespondehan at dito nahanap ang isang lalaki na na-trap sa tuyong balon na
may lalim na 12-metro.
Inabot ng 30 minuto bago naiahon ng mga rescuers si Liu.
Hinang-hina ito.
Fractured ang kaliwang kamay niya at may mga putok din sa
ulo at mga galos sa buong katawan.
Matapos lapatan ng pangunang lunas ay agad itong dinala
sa ospital.
Sa ngayon ay ligtas na sa panganib si Liu.
0 Comments