Patay ang isang sanggol nang tadtarin ito ng saksak dahil
sa pag-aakalang ito’y tiyanak.
Nangyari ang insidente sa Barangay Johnson, Loreto sa Agusan
del Sur.
Sa ulat, tumungo sa banyo malapit sa ilog ang suspek nang
makarinig ito ng iyak ng isang sanggol. Dahil sa takot ay walang
pag-aalinlangang tinadtad nito ng saksak ang naturang sanggol na may umbilical
cord pa.
Isinugod pa sa ospital ang sanggol ngunit binawian din
ito ng buhay matapos magtamo ng saksak sa mukha, baba at ulo.
Napag-alaman na premature ang sanggol dahil sa timbang nitong
800-grams lang kumpara sa normal na timbang na 2.5-kilograms.
Samantala, mayroon nang person of interest ang mga
awtoridad sa posibleng nag-abandona sa bata.
0 Comments