MAG-IINA, HINOSTAGE NG AMA SA TAGUIG

 


Hinostage ng isang lalaki ang live-in partner at apat na mga anak nito kabilang na ang 8-buwang taong gulang na sanggol nitong Disyembre 19 sa Sta. Maria Drive sa Barangay Bagumbayan sa Taguig.

Kinilala ang suspek na si alyas Raymond, 28-anyos at isang construction worker.

Ayon sa pulisya ng Taguig, nangyari ang insidente nang maging bayolente si Raymond sa gitna ng argumento nito sa kaniyang partner kung saan nagde-demand ito ng pera na pambili ng alak at tsaka pisikal na sinasaktan sa kanilang tahanan.

Agad namang nanawagan ng tulong ang mga biktima sa Barangay Bagumbayan Security Force at tsaka ipinaalam sa Taguig Police Substation 12 ukol sa sitwasyon ng hostage.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis sa lugar at hinarap ang suspek na umano’y sumubok na saktan din ang mga rumespondeng pulis.

Pinangunahan naman ni Col. Joey Goforth, chief ng Taguig Police, ang negosasyon sa suspek at siniguro ang kaligtasan ng mga biktima.

Matapos ang masinsinang pakikipag-usap sa suspek ay agad itong inaresto ng SWAT team at ligtas namang na-rescue ang mga biktima.

Samantala, nakatakda namang sasampahan ng kaso para sa illegal detention, direct assault, alarm and scandals, at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 (on illegal possession of bladed, pointed or blunt weapons) ang suspek na sumasailalim sa inquest proceedings sa Taguig City Prosecutor’s Office.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog