Viral ang isang post sa X (dating Twitter) kung saan mabilis na nabunot ng isang parrot ang umuugang milk tooth ng isang bata.
Marami naman ang namangha sa kakayahan ng isang parrot na
nagpaka-dentist sa bata.
Sa post, nakasaad dito na isang “deciduous tooth” ng
isang lalaki sa probinsya ng Zhejiang sa China ang ipinabunot sa kaniyang
alagang parrot.
Makikita na tinuka ng parrot ang isang ngipin ng bata dahilan na bahagya itong napakislot.
Dito na iniluwa ng parrot ang binunot na ngipin sa palad
ng babae.
Hindi pangkaraniwan na tukain ng isang ibon ang ngipin –
sa tao man o sa hayop.
Ngunit, may ilang mga ibong Egyptian Plover ang
makikitang nililinis ang ngipin ng mga buwaya.
Ang natutuka nilang mga nakasingit na kung anu-ano sa mga
ngipin ng buwaya ay nagsisilbi nilang pagkain.
0 Comments