Patay sa pananaga ang isang 17-anyos na binata ng
kaniyang bayaw na lalaki sa Antipolo.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng
madaling-araw kung saan magkasabay na umuwi ang suspek at biktima galing sa
isang Christmas party.
Sinasabing nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek
na nauwi sa pananaga kung saan maging ang suspek ay nataga rin.
Kaugnay nito, nadiskubre pa ng mga kamag-anak ng biktima
ang putol na kamay nito sa kanilang bahay sa Barangay Bagong Nayon.
Idineklara namang dead on arrival ang biktima matapos
magtamo ng mga saksak sa ulo, dibdib at likod.
Bago pa isinugod sa ospital ang biktima, nakausap pa nito
ang nanay at ikinuwento ang pangyayari.
Batay sa pahayag ng tiyuhin ng biktima, nagsimula ang
argumento sa mga joke nang parehong nakainom ang suspek at biktima. Pabiro
umanong sinabi ng biktima na tatagain nito ang suspek. Sa pag-aakalang baka
totohanin ng biktima ang sinabi ay dito na niya inunahan ang suspek.
Taliwas naman ito sa paliwanag ng suspek kung saan sinabi
nitong natutulog umano siya ng bigla siyang hinampas ng kahoy ng biktima at
binantaan pang sasaksakin at papatayin.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Antipolo City Police
ang suspek at nahaharap sa mga kasong murder.
0 Comments