Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang-batas na maging maayos ang kalidad at serbisyong paghahatid ng early childhood care and development (ECCD).
Ang Senate Bill No. 2575 o ang Early Childhood Care and
Development Acts ay nagpapalawak sa aplikasyon ng National ECCD System sa lahat
ng probinsya, lungsod, munisipalidad, at mga barangay upang maabot ang
universal ECCD access sa lahat ng batang may edad 5-anyos pababa.
Saklaw ng ECCD System ang full range ng kalusugan,
nutrisyon, early childhood education, at social services development programs
na kakailanganin para sa basic needs ng mga batang may edad 5-anyos pababa at
ma-promote ang kanilang optimum growth at development.
Samantala, ipinahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian na
patatagin ang ECCD dahil dito nakasalalay ang pagkakaroon ng matatag na
pundasyon ng ating mga kabataan.
0 Comments