Inaprubahan ng National Economic and Development
Authority (NEDA) Board ang pagpapatupad ng free trade agreement sa South Korea
at dalawang proyekto ng nangungunang imprasktruktura na nagkakahalaga ng
P63.2-bilyon.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan, layunin ng
naturang inisyatibo na palakasin ang produksyon sa agrikultura, palakihin ang
regional connectivity, at pasiglahin ang aktibidad ng ekonomiya sa buong bansa.
Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang Korea ng duty-free
entry sa malawakang hanay ng mga produkto ng Pilipinas na nagre-representa sa
kabuuang 87.4% ng Korean imports mula sa Pilipinas.
Sa pamamagitan nito, inaasahan na palalalakasin nito ang
pag-export ng Pilipinas sa Korea at mas maging matibay ang ugnayang
pangkabuhayan ng dalawang bansa.
Dagdag pa rito, inaprubahan din ng NEDA Board ang
dalawang proyekto sa imprastraktura na kinabibilangan ng P37.5-bilyon na Ilocos
Norte-Ilocos Sur-Abra Irrigation Projects at ang P25.7-bilyon na Accelerated
Bridge Construction Projects for Greater Economic Mobility and Calamity
Response (ABC Project).
Ang dalawang proyekto ay pinondohan ng Official
Development Assistance (OSA) loan mula sa pamahalaan ng France.
Samantala, inaprubahan din ng NEDA Board ang adjustments
sa limang nagpapatuloy na proyekto kabilang na ang Value Chain Innovation for
Sustainable Transformation in Agrarian Reform Communities (VISTA) project, ang
Health System Enhancement to Address and Limit (HEAL) Covid-19 project, at ang
Panglao-Tagbilaran City Offshore Bridge Connector (PTCOBC) project.
0 Comments