PINOY NA JANITOR, HUMAKOT NG MGA MEDALYA

 


Humakot ng mga medalya ang isang 50-anyos na janitor mula sa Rosario, Cavite sa kakatapos lang na 2024 Philippine Masters International Athletics Championship na ginanap sa Philsport Track Oval, Pasig City.

Ang atletang si Mansueto Ceralvo ay naksungkit ng apat na gintong medalya 400-meter mix at men relay; isang silver sa 3000-meter relay, at dalawang bronze sa 1000 at 80-meter relay.

Ipinamalas ni Ceralvo ang angking galing nito laban sa iba’t ibang kinatawan ng Japan, Malaysia, Singapore, Amerika, Canada, India, at Italy.


Nakatanggap naman ng pinansyal na pabuya si Ceralvo mula sa LGU Ceralvo.

Napag-alaman na 33-taon nang janitor si Ceralvo sa Contreras Hospital.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog