Viral online ang isang Chinese man nang magbigay ito ng $550,000 o 4-milyon yuan sa isang streamer para lang tawagin siyang “bro”.
Kinalaunan ay nawaldas ng naturang lalaki ang ipon ng
kaniyang pamilya upang masuportahan ang paboritong content creator.
Ang pagkakahumaling ni Hong na taga-Ningbo ng probinsya
ng Zhejiang sa Southeastern China ay umabot pa sa pagnanakaw nito ng copper
materials mula sa negosyo ng kaniyang pamilya maging ang kaniyang pagkain ay
isinakripisyo nito.
Nalaman ng pamilya ang pagnanakaw ni Hong kung kaya’t
inaresto ito ng pulisya na kaagad namang inamin ang mahigit 40 beses ng
pagnanakaw na nagkakahalaga ng 2 hanggang 3-milyon yuan o $316,000.
Paliwanag ni Hong na ginamit nito ang pera sa kaniyang paboritong
online streamer. Wala naman aniya itong intensyon na makilala ang online
streamer sa personal kundi nais lang nitong marinig na tawagin siyang “bro”.
Ayon sa South China Morning Post, inaresto si Hong sa suspicion
of theft habang mahigit isang milyon yuan naman ang naibalik na sa pabrika.
0 Comments