JOE BIDEN, BINIGYAN NG PARDON ANG ANAK NA SI HUNTER BIDEN

 


Binigyan ng pardon ni United States President Joe Biden ang anak nitong hinatulan na gumagawa ng maling pahayag sa isang background check ng baril at illegally possessing firearms at umaming guilty sa federal tax charges.

Ayon kay Biden, sa araw ng kaniyang pagpasok sa opisina ay sinabi nitong hindi siya makikialam sa desisyon ng Department of Justice kung kaya’t personal nitong nasaksihan ang hindi patas na pag-usig sa kaniyang anak.

Pauli-ulit pang sinabi ng White House na hindi bibigyan ni Biden ng pardon ang anak na si Hunter Biden o babaan man lang ang sentensya matapos siyang maging target ng Republicans kabilang na si President-elect Donald Trump.

“In trying to break Hunter, they’ve tried to break me, and there’s no reason to believe it will stop here. Enough is enough,” ani Biden.

Sa katunayan, ipinahayag ni Biden na naniniwala siya sa sistema ng hustisya ngunit naniniwala din siyang naapektuhan na ito ng pamumulitika na nagresulta sa kamalian ng hustisya.

“I hope Americans will understand why a father and a president would come to this decision,” dagdag pa ni Biden.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog