Sa takot na pumunta sa dentista ay napagdesisyunan ng
12-anyos na gumawa ng eksena upang makaiwas sa kaniyang dental check-up.
Noong 2014, natagpuan ng mga pulis na French ang isang
batang lalaki na nagtatago sa Alpine village ng Saint Gervais.
Nang tanungin kung ano ang ginagawa ng bata roon ay
sinabi nitong patungo sana itong sa kaniyang dentist appointment nang bigla umano
siyang dinukot sa kalapit bayan sa Bagnols.
Inilarawan pa ng bata ang detalyadong description ng
taong dumukot sa kaniya at isinakay pa umano ito sa sasakyan. Sinabi pa ng bata
sa mga pulis na ang taong dumukot sa kaniya ay isang European at mayroong
vertical na peklat sa mukha.
Nabahala naman ang mga awtoridad at halos isang buwan ang
ginugol sa paghahanap sa kidnapper.
Gayunpaman, naghinala ang mga pulisya nang isagawa ang
imbestigasyon sa lugar at wala naman silang nakitang kahina-hinala.
Muling tinanong ng mga pulis ang 12-anyos na batang lalaki
at dito inamin na gawa-gawa lamang umano nito ang kidnapping dahil sa ayaw
niyang pumunta sa dentista.
0 Comments