Patay ang 14 na katao sa pagyanig ng magnitude 7.4
magnitude na lindol sa Vanuatu nitong Disyembre 17, dakong 9:47 ng umaga.
Kung saan, nagdulot ito ng “major structural damage” sa
humigit-kumulang 10 na mga gusali kabilang na ang main hospital, ang pagguho ng
malaking shop, at ang diplomatic missions na kinabibilangan ng US embassy.
Ayon sa Pacific nation’s government, kabilang sa 14 na
mga kumpirmadong patay ang apat na indibidwal sa ospital sa capital Port Vila,
anim sa landslide, at apat sa gumuhong gusali.
Dagdag pa rito, mahigit 200 katao ang kasalukuyang
ginagamot sa ospital bunsod ng pagyanig ng magnitude 7.4 na lindol sa lugar.
Tatlong mga tulay at dalawang power lines din ang nasira
ng lindol.
Pahayag pa ng gobyerno sa Vanuatu na tuluyan ding nasira
ang dalawang pangunahing water reserves na nagsu-suplay sa Port Vila at
nangangailangan ng reconstruction.
Hindi din stable ang koneksyon ng mobile at internet
network maging ang main wharf ng Port Vila ay isinara dahil sa major landslide.
0 Comments