MANNY PACQUIAO, NAHALAL SA INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME

 


Nahalal sa International Boxing Hall of Fame si Manny Pacquiao bilang parte ng Class of 2025.

Si Pacquiao ay isa sa mga kilalang boksingero sa bansa matapos makapagtala ng walong weight divisions mula sa flyweight hanggang sa super welterweight.

Bago ito magretiro sa boxing noong 2021 ay umani na ito ng 72-fights kung saan nakakuha ito ng 62 na panalo, walong talo at dalawang draws.

Sumabak din si Pacquiao sa pulitika kung saan tumakbo itong Pangulo ng Pilipinas noong 2022. Sa labas ng boxing ring ay gumawa ito ng pangalan bilang isang pulitiko, pilantropo, mambabatas, at mang-aawit.

Siya rin ang kauna-unahang atletang Pinoy na lumabas sa isang postage stamp at itinampok sa listahan ng Time Magazine bilang world's 100 most influential people noong 2009.

Labis naman ang pasasalamat ni Pacquiao nang mapili itong makapasok sa International Boxing Hall of Fame at maituturing niyang napakagandang regalo ngayong Pasko.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog