BUY NOW, PAY LATER SCHEME, DAPAT PINAG-IISIPANG I-AVAIL - AYON SA FINANCIAL EXPERTS

 


Papalapit na ang Pasko kung kaya’t uso na ang pag-shopping sa pamimili ng regalo. Kaliwa’t kanan na din ang alok na ‘buy now, pay later’ at zero interest pa.

Ayon sa financial advisor at entrepreneur na si Vince Rapisura, kadalasan ay totoo ang zero percent interest sa buy now pay later scheme ngunit kinailangan pa ding pag-isipang mabuti ang pag-avail nito dahil kaakibat nito’y overspending.

Ang ‘buy now, pay later scheme’ ay sinasanay ang bawat indibidwal na umutang kung kaya’t payo ng ilang financial advisor na gamitin ito sa mga bagay na may balik sayo o pwedeng pagkakakitaan tulad ng mga kagamitang pang-negosyo.

Sinabi pa ni Rapisura na ang isa sa mga patakaran ng pagkakaroon ng credit card ay dapat agad itong mabayaran pagdating ng due date. Kaya mas mainam aniya na kapag hindi kayang mabayaran ay ipagpaliban na lang ito.

Dagdag payo pa nito na matutong makuntento sa simpleng bagay, iwasan ang mangutang para sa pagsho-shopping, iwasang makipagsabayan o makipag-unahan sa mga trends lalo na kung mapapagastos, pagplanuhan ang paggastos at magset ng budget limit.

Kapag mga consumer goods naman ang bibilhin tulad ng pagkain at damit, mas mabuting savings na lang ang gamitin.

Paalala pa ni Rapisura, “Ang credit limit na binibigay, yung credit line natin sa credit cards, ito ay hindi natin pera, so hindi yan extension ng bank account natin, ang totoong pera mo ay yung pinaghirapan mo na, nandyan na sayo.”

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog