Inaasahan ang pagdating sa Pilipinas ng mga kagamitan sa
pang-depensa mula sa Japan matapos itong pumirma ng 1.6-bilyon yen o katumbas
ng P611-milyon sa Official Security Assistance (OSA).
Ito’y upang palakasin ang defense capabilities ng bansa.
Opisyal na lumagda sa kasunduan sina Foreign Affairs
Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Kazuya Endo.
Nagpalitan din ang mga ito ng diplomatic notes kaugnay sa
OSA mula sa Japan para sa Department of National Defense-Armed Forces of the
Philippines (DND-AFP).
Nangyari ang naturang pirmahan isang araw pagkatapos ng
pinakabagong pangha-harass ng China sa mga barko ng Philippine government sa
Bajo de Masinloc.
Samantala, sa ilalim ng ikalawang OSA ng Japan para sa
Pilipinas, magbibigay sila ng RHIBs (Rigid-hulled inflatable boat), coastal
radar systems at iba pang kagamitan sa Philippine Navy upang mapabuti ang maritime
domain awareness capabilities.
0 Comments