Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South
Korean national na kapangalan ng sikat na aktor na si Lee Minho sa Mabalacat,
Pampanga.
Sa ulat, inaresto ng BI si Lee sa loob ng Clark Freeport
Zone matapos makatanggap ng impormasyon mula sa awtoridad ng South Korea na isa
itong pugante.
Napag-alaman na pinaghahanap si Lee ng mga kapulisan sa
South Korea dahil sa isang krimen na kinasasangkutan limang taon na ang
nakararaan.
Ayon sa BI, nakipagsabwatan umano si Lee sa iba pang mga suspek
at pinagtulungan ang biktima na bugbugin na nagresulta sa pagkaka-confine nito
sa ospital ng ilang araw.
Dahil dito, nagsilbi ng warrant of arrest ang Suwon
District Court laban kay noong Pebrero 2024 para sa Special Bodily Injury na
lumalabag sa Criminal Act of the Republic of Korea.
0 Comments