Patay sa ambush ang dalawang nagretirong mga pulis sa
Barangay Paigoay, Marogong sa bayan ng Lanao del Sur nitong Sabado.
Habang, sugatan naman ang tatlo pang mga police officers.
Agad namang nag-utos si Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz,
Bangsamoro Autonomous Region police director, na imbestigahan ang nangyaring
insidente.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sakay ng isang
sasakyan ang limang mga biktima papunta sa bayan ng Malabang, Lanao del Sur
nang bigla silang ma-ambush sa kahabaan ng liblib na highway.
Samantala, kinilala ang mga biktima na sina retired
policemen Solaiman Alibasa at Hadji Asrap Sandab na parehong patay. Habang sina
Sanaoray Alibasa, Sarpia Mangayao at si retired policeman Ramil Bao ay nagtamo
ng malalang sugat.
0 Comments