JOSE MANALO AT LONGTIME PARTNER NA MIYENBRO NG EB BABES, ENGAGED NA!

 



Engage na ang actor-comedian nga si Jose Manalo sa longtime partner nitong si EB Babe Mergene Maranan.

Ito’y matapos mag-propose ang komedyante noong Disyembre 2 sa isang picturesque resort.

Sa post, hinarana ni Manalo sa tono ng kantang “Ikaw” ni Yeng Constantino ang longtime partner sabay paglabas ng isang neon-lit na sign kung saan mababasa ang “Will you marry me?”.



‘Nung una ay hindi pa naniwala si Maranan ngunit nang lumuhod na si Manalo ay dito na naghalo-halo ang iba’t ibang emosyon nito kasabay ng pagsagot nito ng “yes” na hiniyawan ng kanilang mga kapamilya na naroon sa lugar.

Sa Instagram, inilarawan ni Maranan ang naturang proposal bilang "easiest YES I've ever said" at ibinahagi ang kasiyahan nito sa caption na, "It's you. It's always been you."

Unang nagtagpo ang dalawa sa set ng “Eat Bulaga” kung saan miyembro ng EB Babes si Maranan. Nanatiling pribado ang kanilang relasyon sa loob ng ilang taon.

Napag-alaman na unang ikinasal si Manalo kay Anna Lyn Santos kung saan nagkaanak sila ng lima kabilang na ang mga aktor na sina Benj at Nicco Manalo. Ngunit, taong 2022 ng Enero ay pumanaw si Santos sa edad na 54.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog