LECHON AT HAM, TUMATAAS ANG DEMAND NGAYONG HOLIDAY SEASON - DA

 


Tumataas na ang demand sa lechon at ham sa gitna ng paghahanda sa paparating na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ipinahayag ni Agriculture Assistant Secretary kag spokesman Arnel de Mesa na nagpapatuloy ang pagtaas sa demand ng lechon at ham hanggang sa mismong araw ng Pasko at Bagong Taon.

Ngunit, sa kabila nito ay tiniyak ng DA na hindi mauubusan ng mga karne sa bansa dahil sa mataas na suplay nito.

Una nang sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi maglalagay ng price cap ang ahensya sa lechon ngayong holiday season sa kabila ng tumataas na demand sa kadahilanang ang lechon ay isang luxury item at hindi basic necessity kung kaya’t hindi ito lalagyan ng price control.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog