Hiwa-hiwalay na ang parte ng katawan ng isang pulis nang
matagpuan sa Baguio City matapos itong mapatay ng kabarong pulis sa Camp Bagong
Diwa sa Taguig City.
Ayon kay P/Maj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng Southern
Police District (SPD), inamin ng suspek ang ginawa sa biktima maging sa kung
saan niya dinala ang bangkay matapos barilin.
Sinasabing pinagpuputol ng suspek ang katawan ng biktima
tsaka inilagay sa sako at dinala sa Baguio para doon ilibing.
Kuwento ng suspek, nahuli niya umano ang biktima na kasiping
ang kanyang misis na isa ring pulis sa loob ng Camp Bagong Diwa.
Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon
ukol sa nangyaring krimen.
0 Comments