MILYONG HALAGA NG SECURITY AID PARA SA UKRAINE, IBIBIGAY NG US

 


Inanunsyo ng Estados Unidos ang bagong $988-milyon security assistance package para sa bansang Ukraine bago pa umupo si President-elect Donald Trump.

Nakapaloob sa package ang mga drone, bala para sa precision HIMARS rocket launchers, at mga kagamitan at spare parts para sa artillery systems, tanke at armored vehicles.

Ang naturang security assistance ay popondohan sa pamamagitan ng Ukraine Security Assistance Initiative kung saan ang mga kagamitang pang-militar ay kukunin mula sa defense industry o partners. Nangangahulugan lamang ito na hindi kaagad ito darating sa lugar ng gyera.

Sinundan naman ito $725-milyon package kabilang na ang ikalawang tranche ng mga landmine gayundin ang anti-air at anti-armor weapons.

Napag-alaman na ang international supporters ng Ukraine ay nagbibigay na ng bilyon-bilyong dolyar ng mga armas, bala, training at iba pang security aid bilang tulong sa Kyiv na malabanan ang pwersa ng Russia.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog