3 CHINESE VESSEL, NAMATAAN SA SIARGAO


 

Namataan sa baybayin ng Luzon at Mindanao ang tatlong Chinese research vessel.

Ayon sa Philippine Coast Guard, dalawang beses nang nakapasok sa exclusive economic zone (EEZ) ang naturang barko at nakarating na din sa karagatang sakop ng Siargao.

Unang na-monitor ang tatlong barko sa layong 257 nautical miles hilagang-silangan ng Santa Ana, Cagayan noong Nobyembre 17, 2024.

Habang, noong Nobyembre 14 ay nakita ito sa loob ng 200 nautical mile sa EEZ ng bansa at muli sa labas ng Siargao Island noong Nobyembre 20.

Ang tatlong Chinese research vessels ay Xiang Yang Hong 3, Jia Geng, at Xiang Yang Hong 10.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog