Nangunguna sa mga humakot ng award ang BINI at Lola Amour
sa 37th Awit Awards nitong Miyerkules, Disyembre 4.
Umani ng apat na tropeo ang Pinoy girl group na BINI
matapos manalo bilang Favorite Group Artist, Favorite Song of the Year,
Favorite Record of the Year, ang kanilang kantang "Pantropiko."
Habang, nakatanggap din ng award bilang Favorite Music Video of the Year ang
isa pa nilang kanta na “Karera”.
Maliban sa BINI, nakakuha din ng apat na trope ang Lola
Amour para sa kanilang kanta na “Raining in Manila” bilang Record of the Year, Song
of the Year, Best Pop Recording, gayundin nanalo din ng Best Novelty Recording ang
kanilang "Waiting Here sa Pila" kasama si Michael V.
Samantala, nag-uwi din ng dalawang tropeo ang SB19 bilang
Best Dance/Electric Recording at Best Performance by a Group sa kanilang “Gento”
nak anta habang nakuha ng isa sa mga miyembro nitong si Josh Cullen ang Best
Music Video of the Year sa kaniyang “Wild Tonight”.
0 Comments