INFLUENCER, NAIS MAGING VIRGIN ULIT

 


Pinaplano ng isang influencer sa Brazil na maging “virgin” ulit kung kaya’t kinailangan nitong makalikom ng mahigit isang milyon.

Kinilala ang influencer na si Ravena Hanniely, 23-anyos at handing sumailalim sa vaginal rejuvenation operation sa halagang US$19,000 o P1,114,540.

Si Hanniely ay mayroong 267,000 followers sa Instagram kung saan puro mga sexy photos ang laman nito.

Taong 2024 ng Hulyo ay siya ang naging cover sa Playboy Magazine Denmark edition.

Sa Instagram post ni Hanniely, sumisimbolo aniya ng panibagong simula ng kanyang personal at professional life ang naturang operasyon.



Ani Ravena, “I want to become a virgin again.

“This is for my self-esteem and for personal reasons that have always been important to me.”

Sinabi rin niyang ang surgical time machine ay may psychological benefits.

“It’s about how a woman feels and what she wants for herself.”

Sinabi pa ni Hanniely na hindi lang aesthetics ang Hymenoplasty kundi mayroon din itong benepisyo sa psychological na estado nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog