Inalala ng isang babae ang kaniyang naging katakot-takot
na karanasan nang siya’y makagat ng ahas sa kanilang comfort room.
Sa ulat, araw ng Linggo nang mangyari ito kung saan pumunta
ng banyo si Maria Jaimes mula sa Texas at nakapatay ang ilaw. Nang maupo ito sa
inidoro ay bigla nalang siyang kinagat ng isang rat snake.
Aniya, nakaramdam ito ng kagat sa kaniyang binti at dito
natuklasan ang isang ahas na nasa ilalim ng kanilang banyo.
Bagamat nagulat si Jaimes ay nagawa pa niyang kunan ito
ng mga larawan bilang pruweba sa insidente.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang buhay kay Jaimes at
tumungo ng simbahan.
Ayon sa National Wildlife Federation, ang rat snakes ay
mga non-venomous na ahas na makikilala sa kanilang kumikinang na itim na
kaliskis sa likod at ang light-colored belly. Karaniwan sa mga biktima nito ang
mga daga o malilit na ibon.
0 Comments