Itinalaga ni US President-elect Donald Trump si Jared
Isaacman, isang bilyonaryong online payments entrepreneur at ang unang
pribadong astronaut na nagsagawa ng spacewalk, bilang susunod na mamumuno sa
Nasa.
Si Isaacman ay isang 41-anyos na founder at CEO ng Shift4
Payments. Mas lalo pang naging tanyag ang personalidad nito sa commercial
spaceflight sa pamamagitan ng kaniyang high-profile collaborations sa SpaceX.
Nakagawa din ito ng kasaysayan noong Setyembre nang
personal nitong masaksihan ang planetang Earth mula sa kalawakan.
Ayon kay Trump, pamumunuan ni Isaacman ang misyon ng NASA
na magtuklas at magbigay inspirasyon tungkol sa mga kakaibang pangyayari sa
labas ng Earth gayundin ang magbahagi ng mga natatanging tagumpay ng ahensya sa
siyensa, teknolohiya, at exploration.
Napag-alamang naglaan ng $200-milyong pondo si Isaacman
mula sa kaniyang sariling bulsa upang pangunahan ang 2021 all-civilian SpaceX
Inspiration4 orbital mission, ang kaniyang unang pagsabak sa kalawakan.
0 Comments