Kumasa sa “mukbang challenge” ang isang content creator sa
Iloilo kung saan hinamon siyang kainin ang hollow blocks.
Ayon sa ulat, ginawa ni Jekerie Bendanillo ang hamon
upang makakuha ng maraming views at makaipon ng social media engagement mula sa
publiko.
Dagdag pa rito, naisip nitong kainin ang hollow blocks
dahil sa hiniling umano ito ng isa sa kaniyang follower sa social media.
Bagama’t hindi naman nito kinakain ang hollow blocks, may
pagkakataon pa ding nalalasahan niya ang sebo ng semento kung kaya’t pinapahiran
niya ito ng margarine.
Kapag mabilis siyang ngumuya, may mga pagkakataong
bumabara na ito sa kaniyang lalamunan.
Aminado naman si Bendanillo na mapanganib ang pagkain ng
hollow blocks ngunit ito lang aniya ang kaniyang paraan upang mapunan ang
pangangailangan ng pamilya lalo na’t kumikita ito ng P8,000 pataas sa pagiging
content creator.
Samantala, hindi naman ipinaalam ni Bendanillo ang
kaniyang pag-mukbang ng hollow blocks sa kaniyang asawa.
0 Comments