COMELEC, IPINAKILALA ANG BAGONG ACMs NA GAGAMITIN PARA SA 2025 MIDTERM ELECTIONS

 


Ipinakilala na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bagong Automated Counting Machine (ACM) technology sa isang roadshow nitong Disyembre 2 sa Iloilo City National High School sa distrito ng Molo.

Layunin nitong maturuan ang mga botante tungkol sa pinakabagong teknolohiya ng pagboto bilang paghahanda para sa 2025 midterm elections.

Ang roadshow ay magtatagal ng dalawang buwan at sa Enero 31, 2025 ay ibabalik na ang mga machine sa warehouse sa Laguna para sa reconfiguration.

Pinalitan ng ACM ang Vote Counting Machine (VCM) na unang ginamit sa 2008 Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections.

Samantala, kabuuang 101 ACMs ang ide-deploy sa mga llocal government units (LGUs) sa Western Visayas kabilang na ang Panay at Guimaras at may isang machine na nakatalaga sa regional Comelec office.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog