PILIPINAS, KINILALA NG GUINNESS WORLD RECORD SA MAY PINAKAMARAMING INDIBIDWAL NA NAGTANIM NG KAWAYAN

 


Kinilala ng Guinness World Record ang Pilipinas sa may pinakamaraming Pilipinong nagtipon-tipon upang lumahok sa pagtatanim ng kawayan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kung saan, kabuuang 2,306 na mga indibidwal ang nagtipon-tipon upang magtanim ng kawayn sa 19 na lugar sa Mindanao at Visayas.

Ang naturang bamboo-planting activity ay inorganisa ng Department of Science and Technology (DOST) at grupo ng Kawayanihan Circular Economy Movement.

Kinumpirma naman ng Guinness World Record management ang nasabing pagkilala sa bansa.

Samantala, hinikayat ni Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr. ang publiko na ipagpatuloy ang pagtatanim ng kawayan dahil sa tulong na ibinibigay nito mula sa pagiging panangga sa iba’t ibang klima at ang pagpapalago sa ekonomiya ng bansa.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog