Isinusulong ni Agriculture Secretary Tiu Laurel Jr. ang paghahain ng half-cup rice sa mga restaurant, hotel, canteen at eateries sa bansa.
Ito’y matapos ipinaliwanag ni Agriculture Assistant
Secretary and spokesman Arnel de Mesa ang lumabas sa ginawang pag-aaral ng Department
of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute kung saan noong
2019, humigit-kumulang 9-grams na kanin ang nasasayang ng bawat Pilipino.
Nakakatulong aniya ang naturang panukalang-batas upang
mabawasan ang pagsasayang sa kanin ng mga Pilipino.
Ngunit, idiniin din nitong ang half-cup ng rice serving
ay isa lamang optional para sa mga customer.
Samantala, sinang-ayunan din ng Philippine Rice Research
Institute noong 2023 ang pagsusulong ng half-cup rice law para sa kaparehong
dahilan.
0 Comments