RUSSIAN FIGURE SKATER, NA-GRANT ANG PHILIPPINE CITIZENSHIP

 


Isa nang Pinoy ang isang Russian figure skater na si Aleksandr Sergeyevich Korovin.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12115 na kung saan opisyal na ang Philippine citizenship ng Russian figure skater kasama na ang mga karapatan, pribiliheyo, prerogatives, tungkulin, at obligasyon nito alinsunod sa Constitution at mga umiiral na batas.

Nakatakdang manumpa ng katapatan sa Pilipinas si Korovin upang mairehistro siya sa Bureau of Immigration at maisyuhan siya ng certificate of naturalization.

Nangako naman si Korovin na ibibigay nito ang kaniyang 100% na effort sa training at mga kumpetisyon para sa Pilipinas.

Ibinahagi din nito ang kaniyang pagnanais na magdala ng karangalan sa bansa at sanayin ang mga batang Pilipino.

Si Korovin ay partner ng isang Filipina figure skater na si Isabella Gamez at nanalo ng mga titulo sa international contest mula pa noong 2021.




Matatandaan noong 2022, nakuha ng Pilipinas ang kauna-unahang international medal para sa skating pairs nang manalo ang duo sa 2nd Trophee Metropole Nice Cote d’Azur sa France.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog