Aprubado na sa bansang Australia ang batas na magbabawal
sa mga kabatang edad 16-anyos pababa na gumamit ng social media.
Sa naturang batas, pagmumultahin nito ang malalaking
social media platforms kabilang na ang TikTok, Facebook, Snapchat, Reddit, X,
at Instagram ng hanggang 50-milyon Australian dollars ($33 milyon) para sa
systemic failures upang maiwasan ang mga batang mahumaling sa social media.
Sinuportahan naman ito ng mga magulang lalo na’t
nakakabahala na ang pinsalang dulot nito hindi lang sa pisikal maging sa
emosyonal at mental health ng bata.
Samanatala, bibigyan ng hanggang isang taon na palugit
ang mga nabanggit na social media platforms kung paano nila ipapatupad ang
nasabing ban bago pa man ipatupad ang penalidad.
0 Comments