4 NA MIYEMBRO NG DRUG CARTEL SA COLOMBIA, PATAY SA AIRSTRIKE

 


Patay ang apat na hinihinalang miyembro ng pinakamalaking drug cartel sa Colombia nang maglunsad ng airstrike sa kanilang kuta.

Ayon kay President Gustavo Petro, nagresulta ng malaking pinsala sa Gulf Clan ang nangyaring airstrike na ikinamatay ng apat na miyembro ng drug cartel at pagkakarekober ng walong rifle.

Habang, apat namang mga sundalo ang aksidenteng namatay sa operasyon habang pababa ng helicopter.

Gumagamit ang Colombian Army ng airstrikes sa ilalim ng successive right-wing governments sa loob ng halos isang dekada bilang panlaban sa grupo ng mga guerilla tulad ng Marxist FARC movement.

Napag-alaman na ang Antioquia ay isa sa mga kuta ng Gulf Clan na kumukontrol sa malawakang dug trafficiking, human trafficking, illegal gold mining empire.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog