BABAE NA NASA LOOB NG KABAONG, BIGLANG NAGMULAT NG MATA?



KA-K5, ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang nanay mong nakahiga sa loob ng kabaong at biglang nagmulat ng mata?
Viral ang isang video clip ng TikTokerist na si Arman Salon nang magpanggap itong patay na nakasilid sa loob ng kabaong ngunit nakamulat ang mga mata at titig na titig sa harap ng camera habang may lumitaw na mga indibidwal upang ayusin ang kanyang kabaong.
Bagama’t hindi na bago sa mga fans ni Salon ang pag-arte nito, ang naturang video clip ay nag-viral nang i-post ito ni “Lord Bebo” sa X (dating Twitter) na may edited caption na nagmumungkahi ng kakaibang senaryo: “Is it because she heard her child’s voice?”
Inilarawan pa ni Lord Bebo na “nakakabaliw” ang nasabing video clip.
“Crazy, during a funeral a woman opened her eyes.
Technically this rarely can happen with a dead body and embalmers usually sew or glue the eyelids shut precisely for this reason, to avoid false alarms.
But I’m not sure if in this case she actually is alive.
Imagine seeing your mother like that. Insane”, caption nito.
Mabilis namang nakakuha ng atensyon sa mga netizen ang naturang post.
Habang, may ilan namang nilinaw na ang video ay hindi isang real event kundi isang skit na pinerform ni Salon, inilalarawan bilang isang “TikTok star mula sa Pilipinas”.
Naniniwala ang ilang netizens na ang nasabing post ay isang “clickbait content” na may layong maka-boost ng engagement habang may iilan namang naniwala sa dramatized scenario.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog