Umani ng iba’t ibang reaksyon ang isang bahay sa Nueva Ecija na nakabaliktad.
Sa larawan, makikita ang disenyo ng bahay ay upside down
maging ang mga kagamitan nito sa loob ay nasa itaas at wala sa ibaba.
At dahil ang buong bahay ay binaliktad, hindi ito
maaaring matirhan.
Sadyang ang objective nito ay maging amusement spot.
Ang naturang disenyo ay hindi lang dito sa bansa kundi
mayroon din nito sa ibang bansa tulad ng Estonia, Turkiye, Canada, United
Kingdom, at Amerika.
Naging inspirasyon ng may-ari ang nasabing konsepto ng
bahay sa mga bansang kaniyang napuntahan at ang napili nitong lokasyon ay sa
ibabaw ng burol.
Mapapansin naman sa disenyong upside down na bahay ang
pagkakabuo ng defying gravity na optical illusion sa bawat kuha ng camera.
Hindi pa tapos ang Minalungao Upside Down House kaya’t
hindi pa ito bukas sa publiko.
Ang plano ng owner maglagay ng swimming pool at bahay na
maaaring rentahan.
0 Comments