Dead on the spot ang 46-anyos na Pinay matapos banggain
ng isang nakaw na SUV sa San Fernando Valley, Los Angeles, California nitong linggo.
Ayon sa ulat, minamaneho ng isang 40-anyos na suspek ang
ninakaw na Mercedes SUV habang tumatakas mula sa mga pulis nang bigla itong
bumangga sa puting Tesla na minamaneho ni Christina David.
Nagdulot ng malalang pinsala ang pagbangga dahilan na
natanggal ang bubong ng Tesla. Nadamay din sa banggaan ang dalawa pang mga
sasakyan na nagresulta sa pagkakasugat ng mga drayber at mga pasahero nito.
Nagtamo naman ng minor injuries ang suspek na agad na
inaresto ng mga pulis at mahaharap sa kasong vehicular homicide.
0 Comments