Nabenta sa isang auction ng halos US$2-milyon o
P117,704,000 ang gold pocket watch na iniregalo sa kapitan ng barko kung saan
siya ang sumagip sa 700 survivors ng Titanic.
Sa pagkakataong ito, ang naturang gold pocket watch ang
may ng record para sa pinakamahal na nabentang memorabilia sa lumubog na barko.
Nabili ito ng isang private colletor na nakabase sa
Estados Unidos n aini-auction ng Henry Aldridge and Son noong Nobyembre 16,
2024.
Napag-alaman na ang relo ay isang 18-carat Tiffany &
Co. watch na ibinigay ng tatlong babaeng survivors kay Arthur Rostron, ang
kapitan ng RMS Carpathia.
Magugunita noong 1912 ay ginulat ng trahedya ang buong
mundo kung saan bumangga sa isang iceberg ang Titanic sa maiden voyage at
lumubog sa karagatan ng north Atlantic na ikinamatay ng halos 1,500 na katao.
0 Comments