Hinatulan ng pitong taong pagkakakulong ang isang babae
matapos nitong itago ang isang sanggol sa drawer ng tatlong taon.
Sa ulat, itinago ng naturang babae ang kaniyang anak mula
sa pamilya at mga kaibigan.
Ang sanggol ay ipinanganak na mayroong cleft palate noong
2020. Oras-oras naman itong pinapakain ng ina sa pamamagitan ng medicine
syringe gayundin pinapalitan din ito ng diaper.
Taong 2023, aksidenteng nadiskubre ng partner ng babae ang
sanggol nang makarinig ito ng ingay na kahawig ng isang sanggol.
Dito, natagpuan ang isang sanggol na malnourished at
mayroong kulot na buhok.
Paliwanag ng nanay na nakakaranas ito ng pang-aabuso mula
sa tatay ng bata kung kaya’t itinago nito ang kaniyang pagbubuntis.
Ayon sa pulisya, nagdulot ng matinding epekto sa paglaki
ng bata, maging sa pisikal at mental development ang kawalan ng aruga,
atensyon, at pagkain at ang pagkakakulong sa maliit na espasyo ng drawer kung
saan hindi ito makagapang, makalakad, makapagsalita o ang gumawa ng anumang
ingay.
Samantala, nang ma-rescue ang bata ay isinailalim ito sa
dalawang surgeries upang itama ang cleft palate habang ang ina nito’y mahaharap
sa apat na charges ng child cruelty.
0 Comments