Ka-K5, maniniwala ka ba na ang isang ordinaryong saging
na naka-duct tape sa pader ay aabot ang halaga sa $1 milyon?
Viral ang isang artwork ni Italian artist Maurizio
Cattelan na tinawag na ‘Comedian’.
Nag-debut ang nasabing artwork ni Cattelan sa Art Basel
Miami noong 2019 bilang isang edition ng tatlo kung saan naging headlines
worldwide ang presyo nitong US$120,000.
Naging tampulan din ito ng debatehan tungkol sa likas na
katangian ng sining at halaga nito. Mas pinalakas lamang ito ng artist ng
inamin nitong nabili niya ang saging sa isang grocery sa Miami sa humigit-kumulang
30 cents.
Ayon sa international auction house na Sotheby, tinatayang
na ang halaga ng naturang artwork ay sa pagitan ng US$1 milyon at US$1.5 milyon.
0 Comments