Pinaghahandaan na sa Northern California at Pacific
Northwest ang inaasahang malakas na bagyo na may dalang matinding buhos ng ulan
at hangin na magiging dahilan ng pagkawala ng kuryente at mga pagbaha sa
rehiyon.
Nag-isyu ng labis-labis na pag-ulan ang Weather
Prediction Center simula sa araw ng Martes at magtatagal hanggang sa Biyernes.
Paliwanag ni Richard Bann, isang meteorologist sa
National Weather Service Weather Prediction Center, mabilis na tumindi ang sistema
ng bagyo kung kaya’t ikinukunsidera itong ‘bomb cyclone’.
Ang bomb cyclone ay ginagamit ng mga weather enthusiast
upang ilarawan ang isang proseso na karaniwang tinatawag ng mga meteorologist
na bombogenesis. Ito ay ang mabilis na intensification ng bagyo sa maikling
panahon.
0 Comments